Minsang sinabi ng Pantas…

PART XII

Posted on: Enero 28, 2007

1. Ang taong COMMITTED sa paggawa, gumagawa ng paraan para malagpasan yung pumipigil sa kanyang paggawa.

2. Ang paglilingkod sa Dios, pwede mong hanapan ng parallelism sa ibang bagay para mas makita mo ang kahalagahan nito. Gaano ka-importante sayo ang pamilya mo? Ang trabaho mo? Ang pag-aaral mo?

3. Yung pagpapahalaga natin sa mga bagay sa mundong ito… nagagawa rin ba natin ito sa paglilingkod natin sa Dios? Timibangin natin…

4. Ang paglilingkod sa Dios, dapat matalino ka, kasi gumagamit ng katalinuhan ang kaaway, gumagamit siya ng deception.

5. Kung wala kang kasamang Kristo, kahit gaano ka kagaling, hindi mo magagawa ang pinapagawa sa’yo. Wala rin yang kwenta.

6. Let us all do our best, at makikita ninyo kung papaano titibay, lalaki ang Katawan. Gumawa tayong lahat. Magpagot at magpakapuyat tayo ng ayon sa katuwiran. Kung wala kang pera, kahit sa panalangin makakatulong ka.

7. Dios ang gagawa, makita N’ya lang tayo na kumikilos at gumagawa.  Sumampalataya lang tayo, di N’ya tayo pababayaan.

8. PAGIGING LAGING HANDA; isa sa mga pinakamagandang virtue.

9. Dapat busy tayo sa paghahanap ng paraan para mas maraming maligtas.

10. A hurting person needs a helping hand, not an accusing finger.

11. Napakasama ng tao kung wala sa pagkaunawa nito ay lilipat pa sa mali.

12. Gusto mo mang gumawa, pero hiwalay naman tayo kay Kristo… wala tayong magagawa.

13. Lahat ng tinawag sa Iglesia ng Dios gagawa! Yan ang layon kaya tayo tinawag.

14. Kung ang mga awit para sa bansa, sa iniibig ay nakakapagpabagbag sa kanila, mas lalong dapat tayo sa pag-awit ng mga papuri sa Dios.

15. Wag nating bale-walain ang lahat ng mga ginagawa natin. Hindi lang sa texto, kahit sa pag-awit lang, napakaraming bagay na nating dapat maramdaman, matutunan.

16. Ang salita ng Dios na lagi nating naaalala, yun ang magiging tulong natin sa tuwing napipighati tayo, nahihirapan.

17. Dapat, walang amount ng paninira ang makakapagpatigil sa atin!

18. Mag-ingat kayo sa mga paninira. NAKAKASIRA NG ESPIRITU YAN.

19. Ingatan nating laging malinis ang Espiritu natin, wag tayong papayag madumihan. Nadudumihan kasi yan e.

20. Ang taong walang makasundo, mahirap makasundo!

21. May mas dapat paggugulan ng pera kaysa sa pagkain.

22. It is not within our means na kumain ng masarap kung may mga kapatid na di kumakain ng halos tatlong beses sa isang araw.  Injustice yan!

23. Kung may kinalaman sa kaluluwa, wag tayong manghinayang na gumugol.

24. Bakit tayo gugugol sa pagkaing napapanis? Paggugulan nyo yung mga bagay na pang-langit at nasa’yo ang byong pagsang-ayon ng Dios ng langit.

25. Darating talaga ang tukso at payag ang Dios na tuksuhin ka, bakit? Para patibayin ka at dahil pag natiis mo yan, tatanggap ka ng putong ng buhay.

26. Hindi masama ang tukso, tiis lang, tingnan mo, lalayuan ka ng tukso! Tatantanan ka ng demonyo kapag hindi mo s’ya pinansin.

27. Marami mang kapighatiang dumadating hindi pa rin tayo talo. May magandang darating para sa mga lingkod ng Dios.

28. Hindi mahalaga yung takot na nararamdaman mo, kundi kung papaano mo na-overcome yung takot mo.

29. Ang pagkakataon, sinasamantala yan sa mabuti.

30. Ang isang lingkod ng Dios, dapat maging isang defensive driver. Para pag may nakakasalubong kang reckless driver, alam mo kung saan dadalhin yung manibela.

31. Rest if you must but DON’T QUIT!

32. Kung may nakikita kang mali sa mga kasama mo, MAGSALITA KA NA!

33. Let us stick to the principle. Lahat ng bagay ay nangyayari para sa ikabubuti ng mga lingkod N’ya.

34. Alam mo na ngang talo ang masama sa huli, yan pa rin ang pipiliin mo?! Bakit ka lalagay sa hanay ng talunan? Alam mo naming magtatagumpay ang mabuti sa huli. Kung matalino ka, papanig ka sa side ng magtatagumpay!

35. Pumanig tayo sa mabuti kahit na mahirap.

36. Ang Kristiano, HINDI MALAYA SA SARILING PANANAMPALATAYA! We have ONE faith! My faith must be YOUR faith.

37. Gusto mong maghanda sa pagdating ni Kristo? Alisin mo yung mga dating gawain mong masama.

38. If you recornize the goodness of your Creator, the first thing you will do is give thanks.

39. Kapag ang usapan tungkol sa kautusan, mapupunta lang sa walang kwenta, iwasan mo na.

40. FREE WILL ang isa sa pinakamabuting kaloob ng Dios sa tao na Kanyang nilikha. Through it, we can make things worth appreciating to God.

41. Sa Iglesia, Malaya tayo pero MAY LIMITASYON. Hindi ito pwedeng gamitin upang bigyang daan ang laman.

42. Ang kautusan ni Kristo, susunod ka dahil gusto mo, hindi dahil natatakot ka.

43. Gamitin natin ang kalayaan natin sa pagsunod sa kautusan, HINDI SA PAGGAWA NG KATARANTADUHAN.

3 Tugon to "PART XII"

can u post updated MSNP..please po…salamat po sa Dios

Minsan na rin po akong naligaw sa maling pananampalataya pero salamat po sa Dios at nasumpungan ko rin po ang katotohanan!

I just would like to share my adaptation of the song “Hindi Ako Iiyak” (by Flippers) in expressing my deepest thanks to the Great GOD for opening my eyes, heart, and mind to the truth and gave me a wonderful & precious opportunity of serving Him! SSD…

HINDI AKO IIYAK
(Adaptation)

Dati rati’y ako’y ligaw sa pananampalataya
Tiwala sa dios-diosan, maling kinahantungan
Lulong sa maraming mga kalayawan, ngunit
Ika’y nasumpungan Dios na makabuluhan

Dati’y bida sa lasingan at mga pasugalan
Udyok ng barkada ay gumamit ng droga
Ngayo’y nangahugasan mga kasalanan
Pagbabalik loob tinakwil na kasamaan

Maraming salamat sa Iyo O Dios Ama
Binuksan Mo isip, puso ko ay kinatok
Pagibig Mo Ama, walang hanggan sa amin
Purihin, awitan Ka ay ang alay namin

Buhok na mahaba pinapaingatan Mo
Sa kababaihan, kapurihan ito
Lahat ng iyong utos ay sa ikabubuti
Aming gaganapin, malugod na susundin

Ang linis aral Mo, walang makatutol
Dala-dala ng Iyong sugong mangangaral
Sana kahit mapagod aming mga laman
Patuloy makamtan buhay na walang hanggan

Maraming salamat sa Iyo O Dios Ama
Binuksan Mo isip, puso ko ay kinatok
Pagibig Mo Ama, walang hanggan sa amin
Purihin, awitan Ka ay ang alay namin

Maraming salamat sa Iyo O Dios Ama
Binuksan Mo isip, puso ko ay kinatok
Pagibig Mo Ama, walang hanggan sa amin
Purihin, awitan Ka ay ang alay namin

Purihin, awitan Ka ay ang alay namin!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: