Minsang sinabi ng Pantas…

PART XI

Posted on: Enero 21, 2007

1. Walang masamang epekto ang pagpapatawad.

2. Don’t be satisfied kung ano lang ang nasa iyo, hanggang dyan ka na lang? Mag-aspire tayong gumaling. Hindi naman yan para sa sarili mo e, kundi sa enhancement ng paglilingkod mo.

3. Kung kukuha ka ng ibang bagay na gagawin, siguraduhin mo munang maayos mo nahahawakan ang tungkulin mo ngayon.

4. Kung gusto mong makahakbang ng isang step pataas, ayusin mo muna yung mga step sa ibaba…

5. Meron kang isang bagay na gusting gawin, ayusin mo muna itong ginagawa mo ngayon.

6. Ang matiyaga hindi umaatras kundi nagpapatuloy.

7. Patience and perceverance in doing what is good is a way of looking for immortality.

8. Holiness is the patience of doing good.

9. Commitment is the enemy of resistance.

10. Sa pakikinig may aral din dyan. Hindi lahat pakikinggan mo. Ang utos, pag alam mo nang mali,  h’wag mo nang pakinggan. Hindi lahat ng nangangaral pakikinggan mo.

11. Ang konting chismis maaaring makasira sa malaking karunungang dala mo.

12. Ang tenga ng Kristiano disiplinado yon. Kung alam mo nang chismis, paninira lang ang mapapakinggan mo h’wag mo na yan bibigyan ng panahon.

13. Ang Dios may eksaktong oras kaya’t pag tinawag ka ng Dios sumunod ka na!

14. Ang isang bagay na sinasang-ayunan mo h’wag mong hahatulan.

15. Ano mang ginawa ng Dios ay may sukat, because He is an exact God!

16. Ang utos eksakto kaya tuparin din natin ng eksakto!

17. Kahit wala tayong malalaking kapilya… NAGTITINDIG NAMAN TAYO NG MGA TAONG MAGIGING DAPAT SA DIOS!

18. Sa bawat araw, linggo, buwan na lumilipas ay may dahilan tayo para magpasalamat sa Dios.

19. Ang taong hindi nakakalimot ng sama ng loob ay masamang tao.

20. Pag nakikinig ka ng salita ng Dios, sabayan mo ng pang-unawa at pag-hiling sa Dios ng pang-unawa.

21. Walang inhustisya sa tao ng Dios!

22. Dapat magsanay ka sa pakiramdam, ng pag-decern ng mabuti at masama para lumapit man sayo ang masama, makakalayo ka.

23. Tumibay tayo sa turo, sa kat’wiran. H’wag sa tao!

24. Maraming nakikinig ng payo pero ang PANTAS ANG NAKIKINABANG SA PAYO.

25. Kayong mga Presidente, o nangunguna sa mga grupo. WAG KAYONG MATULOG SA PANSITAN! Dapat malakas ang pakiramdam ninyo sa mga kasama ninyo.

26. H’wag kayong maging mapagsamantala sa kalikuan. Gawain ng masamang tao yan.

27. Ang tungkulin SAKRIPISYO HINDI BENIPISYO!

28. Kung gusto mong magpaakay MAGPASAKOP KA!

29. Ang kautusan hindi paluwag.

30. Pang-bulok sa kaluluwa yang gawa ng laman.

31. Sa kapatid na sumasampalataya hindi na kailangan pang hingan ng tulong.

32. Ang pride… alisin mo ‘yan. Pag nagkasala ka aminin mo! Pag ‘di mo inalis yang pride na yan mapa-PRIDE KA SA IMPIERNO.

33. Pag ang Dios ang nagbigay laging tama, laging mabuti, PERFECT GIFT! ‘Yan ang prinsipyong dapat taglayin natin mula sa Dios.

34. Kung matuwid ka, kahit ano mang dumating at mangyari sa’yo, ‘di kapahamakan yan. Lahat ng bagay na ipinahihintulot ng Dios na maranasan mo hindi kapahamakan yan.

35. May magandang nakariserba sa mga lingkod ng Dios.

36. “Lahat ng bagay nangyayaring magkakalakip…” kasama ka ba dito? Para lang ito sa mga nagsisilbi sa Dios at tinawag sa pagbabanal sa Iglesia ng Dios. Ang mga may kasamang Kristo!

37. Kahit anong klaseng pag-iingat ang gawin mo sa buhay mo at hindi Dios ang mag-ingat dito wala ka ring magagawa.

38. Iukol ninyo ang inyong kabataan sa Dios. Magpakaligaya ka sa Panginoon at bibigyan ka N’ya ng nasa ng iyong puso. H’wag kang magpakaligaya sa mga artipisyal na kaligayahan, sa pakikipag-kasintahan, pakikipag-barkada… matatapos yan.

39. Delikadong kasama yung mga taong mas matimbang pa ang laman sa Espiritual. H’wag kayong makipag-close sa mga ganyan.

40. Kung lalake ka, kahit sino pang kaharap mo, kung tutol ka sasabihin mo ng harapan.

5 Tugon to "PART XI"

Salamat sa Dios na sa kabila ng mga pagsubok at unos na dumarating sa buhay ko at aking sambahayan nanatiling matibay sa awa’t tulong Niya!

I just would like to share my adaptation of the song “Malayo Pa Ang Umaga” (by Rey Valera) in expressing my hope of eternal life despite problems, trials, sufferings, and destructive criticisms from the outside world! SSD…

MALAYO PA ANG UMAGA
(Adaptation)

Malapit na’ng pagdating Niya
Kaya’t maghanda na salubungin Siya
Pagtitiis, budhi ko ay lilinis
At dahil dito nawa’y,
Magisnan ang Dios Amang Buhay

Sadya kayang ang buhay sa mundo
Ay kay pait, walang kasinglupit
Maging dapat upang ‘di na lumuha
At ang aking pangarap
Ay makamtan ko sa hinaharap

Malapit na’ng pagdating Niya
Natatanaw ang pagasa,
At ang aking pagtitiis sa buhay kong ito
Mapaparam, mawawaglit, panambita’y mawawala
Pangakong papalitan ng lubos na ligaya

Mahal kong Dios patnubayan
Sa pagsamba ay samahan
Ikaw lang ang inaasam sa tanang buhay ko
Huwag sanang kalimutan,
Isang hamak, isang mangmang
Naghahandog ng ‘sang awit papuri’t pasalamat!

MAHAL KONG DIOS NA DAKILA!

Bagama’t marami po akong pagkukulang at kasalanan sa Dios, salamat po sa awa at tulong Niya na nakakapagpatuloy pa rin po at ang mahalaga ay ang Pagibig Niya sa atin at ibig Niya na ang lahat ng tao ay maligtas! Dalangin ko po sa Kanya na kasama ang aking mga mahal sa buhay. Siya Nawa…

I just would like to share my adaptation of the song “What Matters Most” (by Kenny Rankin) in expressing my gratitude for GOD’s love to mankind especially to His lowly servants! SSD…

WHAT MATTERS MOST
(Adaptation-Extended Version)

O DIOS, Ikaw l…ang tanging ilaw ko
Sa oras ng kadiliman ng puso
Lukuban mo kami lagi Ama
Banal na Spirito
Upang ang Aral mo, mag-rema sa amin.

Ama, patawad sa aming sala
Linisin mo kami hanggang wakas
Ikaw, tangi sa buhay ko sa bawat sandali
Purihin ka Ama, Salamat po, O DIOS!
…Mahalaga, mahal Mo po kami

Ingatan mo aming taga-akay
Sa salot ng buong sanlibutan
Patatagin Mo po, Panginoon
Iglesia’t kapatiran
Upang paghuhukom, sakdal kami DOON!

Iniaalay po namin Ama
Pag-ibig na laan lamang sa’Yo
Ikaw, tangi sa buhay ko sa bawat sandali
Purihin ka Ama, Salamat po, O DIOS!
…Mahalaga, mahal Mo po kami

Sambit namin: “Lingkod Mo po kami!”

@rayden ganda po ng mga napili nyong adaptation na awit copy ko po ha, salamat sa Dios

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: